Magandang umaga! Ngayon ay binabasa mo ang walang kakwenta-kwentang panimulang artikulo ng isang baguhang manunulat.(Pasensya ka na, hinanap ko sa diksyunaryo ang Tagalog ng "blogger" pero hindi ko makita kaya manunulat na lang) Kaya kung ako sa'yo lumipat ka na lang ng ibang blog(Hindi ko ulit nakita ang Tagalog nyan) kung gusto mong maging kapaki-pakinabang ang mga susunod pang minuto na aaksayahin mo lang sa pahinang ito.
.....
Kung nagbabasa ka pa rin sa puntong ito, binabati kita, napagdaanan mo na ang pagsubok na pinagdaanan rin ng iba pang nagbasa nito. Ibilang mo na ngayon ang iyong sarili bilang ka-level ni Oprah Winfrey. Nagpapasalamat din ako sa'yo dahil may pumansin na rin(sa wakas!) sa nagpapapansing bagong residente ng Internet. Kaya habang narito ka na rin lang e ipagpatuloy mo na ang pagbabasa, tandaan: "Ang tumigil sa pag-basa, PANGET!"
Hindi na ko magpapaliguy-ligoy pa, didiretsahin ko na nag pagpapakilala sa aking sarili at sa aking blog. Ayoko kasing masayang lang ang oras mo sa pagbabasa ng napakahabang intro. Kaya nga ayaw kong nagpapaliguy-ligoy pa ay dahil alam kong masama iyon sa kalusugan. Blah-blah-blah blah-blah blah-blah.
[INSERT $1 BILL TO CONTINUE]
Joke lang! Huwag kang umalis, seryoso na 'to. Itatago ko na lang ang sarili ko sa codename na LoRiE.(maniwala ka codename lang yan.Please naman maniwala ka na!) Hindi ko na nga pala idedetalye pa ang buhay ko sa mala-telenobelang paraan dahil mapapanis lang ang laway este mangungulubot lang ang daliri ko sa pagta-type. Makikita mo naman ang iba pang mga detalyeng ito sa print-ads and posters pero hindi pa ngayon baka sa year 3000 pa. Pero sa ngayon makikita mo iyon sa "Pa-Epal Section" na makikita sa tabi ng artik na 'to.
Naisipan ko nga palang gumawa ng blog dahil unang-una gusto ko ngang magpapansin at ikalawa gusto ko ring magpapansin. Kung napansin mo rin, Tagalog ang ginamit kong lenggwahe sa blog kong 'to. Wala lang, trip ko lang. Pero nang isipin ko, tama pala ang desisyon ko sa pag-gamit ng Tagalog dahil mas naipapaliwanag ko ang aking saloobin sa ganitong paraan. Huwag ka lang magkamaling paratangan akong hindi marunong mag-salita ng Ingles dahil matitikman mo ang bagsik ng ---- wala akong maisip sa ngayon, saka na lang. You know?! Nasubukan ko na rin namang mag-sulat sa Ingles pero hindi iyon umubra, masyadong seryoso, hindi angkop sa buhay kong mala-Funny Komiks. Pero hindi ko naman sinabing kaya ako nagta-Tagalog ay para magpatawa, kung gusto ko mang magpatawa e di sana nagpa-kalbo na lang ako. Hindi naman kais ako gumawa ng blog para magpapansin sa foreign readers. Hindi ko rin 'to ginawa para makipag-kompetensya sa ibang Ingleserang blog sa Internet. Isa lang talaga ng gusto kong pasayahin dito: ang sarili KO. Ngayon kung may papansin at masisiyahan man sa mga kalokohan ko, malaki ang pasasalamat ko sa pag-aaksaya nyo ng oras. Huwag kang mag-alala, kapag nanalo ako ng Pulitzer Award hindi ko kayo kakalimutan sa speech ko.
Hanggang dito muna ang artik ko, marami pa kong pwedeng sabihin kaya lang tulog muna ko! Wala na rin akong ma-isip ngayon. Huwag kang mag-alala wala pa sa isip ko ngayon ang mag-retiro.
Kung nag-babasa ka pa rin hanggang dito, malaking tulong na ang ginawa mo. Isipin mo na lang na nakatulong ka sa "Sagip Papansin Foundation". Oo nga pala dahil naging mabait kang mambabasa, may sure reserved spot ka na sa langit, kunin mo n lang yung susi mo sa pinaka-malapit na!@#$%^&*
*Some text missing*
Posted by LoRiE at 2:10 PM
colours fill my life with wonders ¢¾