Bad trip talaga! Ang bilis ng mga pangyayari. Noon lang August 8, ganap na 3:04 ng hapon(imbento lang yung time) nang batiin ako ni Sir Alvin ng Happy Birthday.
COMPLETE DIALOGUE: (UNCUT)
Sir Alvin: O talaga birthday mo? Happy Birthday!
Ako: Wow sir! thank you po! *kilig*
Oo! Ganung-ganon! Ang saya, nakumpleto yung birthday ko dahil doon.
Kamusta naman yon?! Pero sadyang malupit ang tadhana. Makalipas lana ang 9 days pagkatapos ng birthday ko ay nagpaalam na sya sa klase namin! Huhu! Huwag kang mag-alala buhay pa sya! Over-load lang kasi yung mga klaseng tinuturuan nya at kailangan nyang igive-up ang isa at sa kasawiang palad ay kami na nga iyon. Walang choice
kailangan kinailangan niyang iwan yung section na paborito nya dahil sa pagiging mabait sa masunurin (at uto-uto) na mga mag-aaral. (Kami po yung section na yun po.)
Ang lungkot talaga. Isispin mo yung sigawan na naririnig mo kapag may MuzikLaban, ganon kami kalakas nagsisigaw ng "Sir!" nung dumating yung bagong prof at iwan nya kami, paulit-ulit. Pero kung ganoon kasaya yng MuzikLaban ganon naman kami kalungkot, SOBRA! Para kaming namatayan. Pati na rin yung mga "kuya" sa klase namin na hindi namin inaasahan e nakisimpatya rin sa pag-alis ni sir.
Malungkot kasi nawalan kami ng kaibigan(feeling close kay sir). Malungkot kasi wala nang pagnanasaan pa ang kababaihan ng section namin. Isang malaking kawalan si Sir dahil crush namin sya(oo pati yung mga lalaki). Malungkot kasi kung kelan nasisiyahan na kaming lahat sa samahan na binuo namin saka pa sya kailangan umalis. Sana lahat ng prof kagaya nya. Sana lahat ng klase kagaya ng sa kanya; yung sisipagin kang pumasok at hindi ka nagkakaroon ng madalasang internal hemorrhage sa mga lesson.
Sir Alvin maraming salamat po dahil sa masayang samahaan na nabuo mo kasama ang klase namin. Thank you po talaga! Salamat din po sa birthday greeting. Na-appreciate ko po talaga. Ikaw lang ang prof na bumati sa kin noon.
Tama na naiiyak na ko!!!
P.S.
Dear Papa Jesus, Mama Mary and St. Joseph,
Sana po huwag mabasa to ni Sir Alvin.
Posted by LoRiE at 6:22 AM
colours fill my life with wonders ¢¾
Barado
Thursday, August 17, 2006
Mag-isa na naman ako ngayong gabi. Tulala. Tuliro. Ligaw. Dati-rati ay mas guto kong nasa eskwelahan ako dahil nakakatakas ako sa mga problema sa tahanan at nakakausap ang mga kaibigang nakakaintindi sa drama ng buhay. Pero sa ngayong tunay akong nalilito.
Kung may problema man sa bahay, pwede ko iyong idaan sa pagtawa sa eskwela. Ganoon lang kasi talaga ako. Dinadaan ko sa tawa, ayaw ko kasing makita ako ng kahit na sino na umiiyak dahil simbolo iyon ng kahinaan. At ayaw kong kaawaan dahil sa aking kahinaan. Pero paano kung kaibigan mo ang dahilan ng iyong kalungkutan? Panahon na ba para hayaang dumaloy ang luha? Kung ganoon saan naman kaya? Sa tahanan? O sa piling ng mga kaibigan?
Sa buhay mo, naramdaman mo na bang ma-bara? Yung bigla na lang kokontrahin yung sinabo mo at hindi ka na makakabawi pa? O kaya naman ay ipamukha sa iyo na hindi mo kaya, kaya manahimik ka na lang? Parang tipong:
"Ooops bata, huwag ka na munang maki-alam sa ginagawa ng MATATALINONG matatanda! Eto kendi, manahimik ka muna ha?"
Hindi ba, dapat ay ipinapa-mahagi ang katalinuhan at kaalaman dahil ito ay napapanis? Hindi ba dapat ay magdahan-dahan sa kayabangan dahil ang sobra nito ay nakakamatay?
Paano kung kaibigan ang nam-bara sa iyo? Siguro iisipin mong biro lang iyon. Hindi kailangang seryosohin, dapat lang na intindihin. Pero alam mo ba kung kailan na dapat magseryoso? Kailan na dapat mamigay? At kailan na dapat mag-preno sa kahambugan?
Sabi nga ng isa kong kakilala, lahat daw ng tao ay may kanya-kanyang shortcomings na kailangang intindihin. Marahil ay dumating na yung sa 'kin. Pasensya na kung masyado lang mabilis uminit ang ulo ko. Pasensya na kung nagpadalos-dalos ako. Na-bara lang kasi ako sa pagkakataon kung saan ginusto kong matuto.
Posted by LoRiE at 5:03 PM
colours fill my life with wonders ¢¾
Hello avid reader! Hay! ang hirap talaga ng life! And dami-dami kong gustong i-post dito sa blog ko pero it cannot be! Syempre walang computer kaya kung may dumating na idea dapat muna iyong maghingtay hanggang magkaroon ako ng pagkakataong makalapit sa computer. Ganoon talaga kapag poor lang! Ang hirap non dahil wala akong sariling computer. Ang hirap din non kung may computer nga ako pero wala namang internet access. Pero mahirap non kung may computer nga ako at may internet access na rin pero may guardian naman na kasimbait ng naglilihing dragon! (Ooops titigil na ko dahil reader ko yata yung dragon)
Kagaya na lang ng post ko na ito na dapat na sanang ibaon sa limot dahil sa sobra na itong late.
Hehe! Tungkol ito sa nagdaan kong birthday. Ang saya talaga ng celebration namin ng tropa ko noong August 9, (kita mo na?) San pa nga ba kundi sa SM Manila (hay naku, advertisement!) Kung saan namakyaw kami ng paborito naming McFloat. Syempre kumpleto ba ang birthday kung wala ang tradisyunal na "blow-out"? Kaya bilang partner ng McFloat ay nariyan rin ang isang bundok ng french fries. Hindi lang yun, may bonus pa kaming romantic movie. Dahil sa harap namin ay isang "two-way mirror". "See through mirror". YUNG SALAMIN NA MAKIKITA NINYO ANG ISA'T-ISA SA MAGKABILANG PANIG! *hingal*. At sa likod ng blah-blah-blah mirror ay may magsing-irog at..... isipin mong sumusubo ka ng masarap na french fries pero mapapatigil ka dahil sa bigla mong pagtingin sa blah-blah-blah mirror ay makikita mong..... TSUP-TSUP-TSUP! Waaa! Tama na ititigi ko na to dahil may readers akong catholic school students at mga fetus.
At hindi pa doon natapos yon. Nagtuloy rin kami sa videoke room at doon nagwala! Oo, wild pala yung tropa ko!
TIP: Para makilala ang tropa, dalhin sa videoke-han!
At doon nagkakanta kami, at nagwala! Rock-rakan talaga! Kinanta namin mula Chicksilog, A Thousand Miles pati na rin Chinf Fei De-Yi! Ang SAYA talaga!
Sana wala nang katapusan pero TAPOS na birthday ko noh! Kaya ENOUGH na!
EDIT: English ang post na ito kahapon kaya lang ay tinagalog ko dahil-
1. Hindi ako natutuwa sa ginawa ko. at,
2. Sa tingin ko ay nape-pressure lang akong mag-English dahil sa nakikitang mga blog sa Internet!
Posted by LoRiE at 8:30 AM
colours fill my life with wonders ¢¾
Well it's another day for a celebration! And today it's going to be mine! Yes folks it's my Birthday! Yeah! Yeah! We're gonna party 'coz its my birthday! I'm gonna sip some iced tea 'coz it's my birthday! And you know let's party hard 'coz it's my birthday!!!
Hehe! Thank you to all the people who have greeted me first thing in the morning! Hehe, no good deeds are really gone unappreciated!
And so I'll now be blowing my cake! But before that I shall grant myself with wishes!
1. Good Health
2. Long Life
and...
3. A Date with Daniel Radcliffe
*poof*
Got to wake up from the dream! Well if by any chance a millionaire would be reading this wonderful blog of mine my wishlist is as follows:
1.
Sony Ericsson T6372.
Laptop Computerand of course...
3.
Harry Potter Books 1-6Well it's not that much?! Time to blow my cake!

HAPPY BIRTHDAY TO ME!!!
Posted by LoRiE at 11:08 PM
colours fill my life with wonders ¢¾
This is a very special day for a special person in my life. And I would like to take this chance to greet her!
To my Mama Beth, Happy happy birthday! kahit wala tayong handa, at least magkakasama tayo! I love you po! We love you!
Posted by LoRiE at 5:00 AM
colours fill my life with wonders ¢¾
Kahapon, katapusan ng buwan ng hulyo pero may pahabol pa palang aberya, at oo! damay ako doon. Pero hindi ko na pahihirapan pa ang aking mga mambabasa sa panghuhula pa sa mga pinagsasasabi ko dito.
"Pagka-kaibigan". "Friendship". Yan ang isyu sa artik ko ngayon. Naisip mo na ba kung gaano mo na kakilala ang iyong mga kaibigan? Naisip mo na rin ba kung gaano ka na nila kakilala? Sa haba ng panahong pinagsamahan nyo na , sa tingin mo ba'y sapat na ang katatagan ninyo para hindi na mabuwag pa ng anumang problemang makakaharap? Kung hindi, sa palagay ko'y panahon na para makilala nyo na ang "tunay" na isa't-isa. Kung oo naman, sa palagay ko'y kailangan mo pa ring subukin ang iyong kapasidad bilang kaibigan upang mapagkatiwalaan ka na nila ng buong-buo.
Yan kasi ang mali ko. Akala ko sa tagal na ng panahong pinagsamahan naming magka-kaibigan ya napatunayan ko na sa kanila na kahit kelan "pwedeng hiraming sandalan and balikat ko" lalung-lalo na sa oras ng pangangailangan. Akala ko sa pagka-kaibigan walang taguan, yun pala hindi pa rin ako excepted sa secrets, lies at mistrust.
Sa pagmumuni-muni ko kani-kanina lamang, aking napagtanto na masakit pala kapag kaibigan mo na ang nagsinungaling sa'yo, lalong mas masakit kapag hinusgahan ka kaagad na hindi mapagkakatiwalaan. Para kang hinagis sa kumukulong lava mula sa 100th floor ng building, ganon kasakit! Sobrang sakit ng pakiramdam, parang na-degrade yung pagka-tao ko, parang na-shock yung physiological structure ko. Pati sarili kong kakayahan na-kwestyon ko pa.
Ewan ko, siguro kulang pa yung effort na binibigay ko para mabigay nila ang buong tiwala nila sa akin. Minsan tuloy naniniwala na ko sa kasabihan: "Your bestfriends could sometimes become your worst enemies".
Posted by LoRiE at 10:50 PM
colours fill my life with wonders ¢¾