Kahapon, katapusan ng buwan ng hulyo pero may pahabol pa palang aberya, at oo! damay ako doon. Pero hindi ko na pahihirapan pa ang aking mga mambabasa sa panghuhula pa sa mga pinagsasasabi ko dito.
"Pagka-kaibigan". "Friendship". Yan ang isyu sa artik ko ngayon. Naisip mo na ba kung gaano mo na kakilala ang iyong mga kaibigan? Naisip mo na rin ba kung gaano ka na nila kakilala? Sa haba ng panahong pinagsamahan nyo na , sa tingin mo ba'y sapat na ang katatagan ninyo para hindi na mabuwag pa ng anumang problemang makakaharap? Kung hindi, sa palagay ko'y panahon na para makilala nyo na ang "tunay" na isa't-isa. Kung oo naman, sa palagay ko'y kailangan mo pa ring subukin ang iyong kapasidad bilang kaibigan upang mapagkatiwalaan ka na nila ng buong-buo.
Yan kasi ang mali ko. Akala ko sa tagal na ng panahong pinagsamahan naming magka-kaibigan ya napatunayan ko na sa kanila na kahit kelan "pwedeng hiraming sandalan and balikat ko" lalung-lalo na sa oras ng pangangailangan. Akala ko sa pagka-kaibigan walang taguan, yun pala hindi pa rin ako excepted sa secrets, lies at mistrust.
Sa pagmumuni-muni ko kani-kanina lamang, aking napagtanto na masakit pala kapag kaibigan mo na ang nagsinungaling sa'yo, lalong mas masakit kapag hinusgahan ka kaagad na hindi mapagkakatiwalaan. Para kang hinagis sa kumukulong lava mula sa 100th floor ng building, ganon kasakit! Sobrang sakit ng pakiramdam, parang na-degrade yung pagka-tao ko, parang na-shock yung physiological structure ko. Pati sarili kong kakayahan na-kwestyon ko pa.
Ewan ko, siguro kulang pa yung effort na binibigay ko para mabigay nila ang buong tiwala nila sa akin. Minsan tuloy naniniwala na ko sa kasabihan: "Your bestfriends could sometimes become your worst enemies".
Posted by LoRiE at 10:50 PM
colours fill my life with wonders ¢¾