Mag-isa na naman ako ngayong gabi. Tulala. Tuliro. Ligaw. Dati-rati ay mas guto kong nasa eskwelahan ako dahil nakakatakas ako sa mga problema sa tahanan at nakakausap ang mga kaibigang nakakaintindi sa drama ng buhay. Pero sa ngayong tunay akong nalilito.
Kung may problema man sa bahay, pwede ko iyong idaan sa pagtawa sa eskwela. Ganoon lang kasi talaga ako. Dinadaan ko sa tawa, ayaw ko kasing makita ako ng kahit na sino na umiiyak dahil simbolo iyon ng kahinaan. At ayaw kong kaawaan dahil sa aking kahinaan. Pero paano kung kaibigan mo ang dahilan ng iyong kalungkutan? Panahon na ba para hayaang dumaloy ang luha? Kung ganoon saan naman kaya? Sa tahanan? O sa piling ng mga kaibigan?
Sa buhay mo, naramdaman mo na bang ma-bara? Yung bigla na lang kokontrahin yung sinabo mo at hindi ka na makakabawi pa? O kaya naman ay ipamukha sa iyo na hindi mo kaya, kaya manahimik ka na lang? Parang tipong:
"Ooops bata, huwag ka na munang maki-alam sa ginagawa ng MATATALINONG matatanda! Eto kendi, manahimik ka muna ha?"
Hindi ba, dapat ay ipinapa-mahagi ang katalinuhan at kaalaman dahil ito ay napapanis? Hindi ba dapat ay magdahan-dahan sa kayabangan dahil ang sobra nito ay nakakamatay?
Paano kung kaibigan ang nam-bara sa iyo? Siguro iisipin mong biro lang iyon. Hindi kailangang seryosohin, dapat lang na intindihin. Pero alam mo ba kung kailan na dapat magseryoso? Kailan na dapat mamigay? At kailan na dapat mag-preno sa kahambugan?
Sabi nga ng isa kong kakilala, lahat daw ng tao ay may kanya-kanyang shortcomings na kailangang intindihin. Marahil ay dumating na yung sa 'kin. Pasensya na kung masyado lang mabilis uminit ang ulo ko. Pasensya na kung nagpadalos-dalos ako. Na-bara lang kasi ako sa pagkakataon kung saan ginusto kong matuto.
Posted by LoRiE at 5:03 PM
colours fill my life with wonders ¢¾