Noong nagdaang Biyernes(Sept. 9), sa Metrowalk, ay naganap ang pinakahihintay na album launch ng sophomore album ng hottest Pinoy band ngayon-ang SPONGECOLA! Nakakalungkot nga lang dahil hindi ako nakapunta doon para saksihan iyon. Well, come to think of it! (NAKS), ni hindi pa ako nakakanood ng concert or gig nino man(maliban na lang dun sa na-sight ko sa banyo dati) dahil hindi pwede sa guardian ko(na dragon) yang mga ganyan-ganyan. Kawawa naman po ako noh? Matinik kasi sila pagdating sa curfew, gusto nga nila mga 30 minutes pagka-dismissal e nasa bahay na ko(kahit na sa Quiapo pa yung school at sa Novaliches pa kami nakatira!) Pero teka muna, hindi ko sinulat ang post na ito para mag-drama tungkol sa malungkot kong buhay, kundi para magbunyi kasama ng daan-daang SPONGECOLA fans, addicts at stalkers dahil sa napaka-gandang album launch nila!
'Di ko man napanoon mismo ang album launch, napakinggan ko naman iyon ng buo sa tulong ng 97.1 LS FM(yahoo!) Akala nyo ha? Wala pa ring makakapigil sa 'kin para maexperience yung long-awaited launch!
Pero akala ko nga hindi ko rin yon mapapakinggan, well naglakwatsa pa kasi ako sa house ng friend ko tapos busy-busyhan sa kati-text kaya nakalimutan ko na 7 PM yung show, na-alala ko na lang yun nung nasa bahay na ko(mga 8:45 na yun, 5 hours and 15 minutes pagkatapos ng dismissal) But sa awa ni God(super tenkyu po!) hindi pa naman pala nagsisimula!
Nagka-aberya yata dahil sa lakas ng ulan kaya nausog yung time(super tenkyu din sa ulan!) At sa dami man ng problema ay nagsimula na rin ang show ng bandang 9 PM. Syempre super kinig ang lola nyo! To the highest volume! Nagbanta na ngang mabasag yung eardrum ko!
Hay ang saya! Sobrang na-appreciate ko yung boses ni Yael at syempre pati na rin ang music nina Chris, Gosh at Armo! Ang ganda ng songs nila! Kumanta sila ng mga lumang kanta nila gaya ng "Gemini" at pati na rin yung "Jeepney". Syempre nandyan din ang mga aabangang hits mula sa 2nd album nilang "Transit" gaya ng "Tuliro" at syempre my FAVOURITE! "BITIW". yun yon, kaya hanggang ngayon tuloy tuloy tuloy...
Naging enjoy din yung show dahil very spontaneous sina Yael, very alive & funny talaga sila. May natuntunan pa nga akong word sa kanila: "Chilax"(pinag-halo yatang "chill" at "relax") Buti na lang talaga may mga bands na kagaya ng SPONGECOLA na pwedeng tingalain ng mga kabataan at kakiligan ng mga kababaihan!
Posted by LoRiE at 7:01 AM
colours fill my life with wonders ¢¾