
Nyay! Pasko na naman! At ang drama ni Christmas Spirit ay: "Hanapin mo ko!" Hehe Christmas is really just around the corner(dun banda, hindi dun pa, yan!) At eto na, eto na, eto na waaaaah! *carried away* Sorry. Eto na naman ang tradisyunal na Christmas Parties. Syempre di pahuhuli ang barkada namin sa pauso na 'to. kaya naman 3 weeks into the 2nd sem pa lang e nagbunutan na kami ng aming mga ka-exchange gift! Galing diba? Kaya naman ngayon puro kami problemado sa kung ano ang ibibigay namin sa aming "inaanak" (diba inaanak lang ang nireregaluhan?) So kung meron po kayong gift suggestions dyan just type in: GIFT [space] [your suggestion] and send it to outer space! At makakatulong din po kayo kung padadalhan nyo ako ng perang pambili ng regalo ko!
Syempre para naman dun sa mga may mabubuting loob na nais magbigay sa akin ng regalo. Nais kong ipa-alam sa inyo na tumatanggap na po ako ng kahit anumang alay nyo. Just approach me wherever you may see me! Astig!!!
Pero serious. Diba po mas masarap mamigay ngayong pasko? Sana makatulong din tayo sa mga nangangailangan. Ngayon ko lang to gagawin at sana matuwa naman po si Lord sa akin. *joke* Kung meron kayong oras sana padalhan nyo naman po ng card o kahit anumang regalo si
PYRO ngayong pasko. Sigurado akong kahit anong ibigay natin sa kanya ay makapag-papasaya sa kanya at kahit sa sandaling panahon ay makalimutan nya nag kanyang sakit. Maaari nyo pong ipadala ang inyong mga presents sa:
JOSEPH PYRO
c/o Camitan Residence1549
A. Isip
St.Paco, Manila 1007
Philippines
Note: gustong-gusto nya sina Tweety at Spongebob. Pati na rin mga picture ng fountain or animals. Basta kahit ano. Kasi tuwang-tuwa na daw siya sa pagbubukas pa lang ng mga card at pagtingin sa mga larawan nito.
Ngayon pa lang, maraming maraming salamat sa inyo!
Merry Christmas!
Posted by LoRiE at 7:46 AM
colours fill my life with wonders ¢¾