Badtrip!!! Naiinis na talaga ko sa sarili ko! Hindi pwede 'to. Hindi ko na talaga gusto 'tong nararamdaman ko. Mga ilang gabi ko na rin s'yang napapanaginipan at hindi ko na 'to ikinatutuwa. Ewan ko ba kung bakit, siguro lagi na lang s'yang laman ng isip ko. Pero bakit? Bakit n'ya ini-invade ang isipan ko? Dahil ba 'to sa matagal ko na siyang 'di nakikita at nami-miss ko na siya o dahil sa may iba na 'kong nararamdaman para sa kanya? Wah, hindi 'to pwede! Pero bakit hindi pwede? Dahil ba hindi ko maamin na gusto ko na siya? Hindi ko maamin na kahit na mukhang lagi naman kaming nag-aaway ay mayroon pa ring pag-asa para sa amin? At hindi ko maamin na sa ngayon ay mas espesyal nang talaga ang tingin ko sa kanya? Masisiraan na ko ng ulo. Ayoko nito! Ayoko talaga!!!
Posted by LoRiE at 3:10 PM
colours fill my life with wonders ¢¾
Hay, bakasyon na naman! Grabe parang ang bilis ng panahon. Eto at ilang buwan na lang e mga graduating students na ang mga lolo at lola n'yo. Parang kelan lang talaga yung moment na para pa kaming mga basang sisiw na parang naliligaw pa sa college life, well, sort'a. Well maganda talagang moment to para magreminisce ng mga bagay bagay na nangyari sa'min ngayong 3rd year. Medyo marami din nga palang mga "FIRSTS" na nangyari sa'kin ngayong junior year. And here are some to list a few *parang wrong grammar yun ah?*
First fight with Yeye:
hehe ewan ko kung anong topak ko nun at nakipag-away ako kay Yeye. Nasa blog ko pa ngang ito yung madramang artik na nabuo ko dahil sa paghihimutok ko sa kanya. Pero ok na, peace na uli kami ngayon. Meron na lang pailan-ilang hindi pagkakaunawaan pero madali na din namang naaayos. Para lang kaming nagtatampuhang mag-dyowa!
First chenes with Chynx:
di ko kasi alam kung anong tawag dun e. Di ko mawari kung nag-away ba kami o ano pa man. Pero ano yun eh... ano... basta wala naman talaga, di ko nga maintindihan. Ok naman kami ni Chynx.
First argument with Alex:
medyo war freak yata ako ngayong year ano? Well hindi ko naman talaga ginugustong makipag-away kahit kanino, dumarating lang talaga yung panahon na kinakailangan ipagtanggol ko ang aking sarili *excuses*. Pero kagaya ni Yeye naaayos din namin yung problema namin. To be specific, noong birthday n'ya, dami kasing handa eh. Madalang na lang kaming mag-away ngayon, mga once every two hours na lang.
First alcohol drink:
pero hindi naman talaga masyadong alcohol yun eh kasi po red wine naman yun. Naganap ito nong birthday ng pinaka-matanda sa grupong si Vane. Para ngang wala lang eh.
First prof na..... :
woi! Anong iniisip mo? Ganito kasi yun, si Sir Alvin ay technically ang unang prof na hinangaan naming talaga. Hindi po ako sumisipsip, nabigay na yung grade ko eh. Basta para kasing adik 'tong prof na to. Parang nakalunok ng libro kung magsulat ng lecture sa board. Grabe, pupunuin nya ng sulat yung blackboard nang hindi man lang titingin sa kodigo. Adik diba? Medyo magulo nga lang yung buhay nya kasi pagpapatung-patungin nya yung sulat nya kaya di mo na malalaman kung ano na bang pinag-uusapan nyo. Ang down side nga lang sa pagiging students nitong prof na 'to ay luging-lugi ka kung first class nya kayo. Mabuti na nga lang at 3 hours yung subject namin sa kanya, at least kahit na mahintay pa kami ng 2 hours sa kanya e meron pa rin namang 1 hour para sa lecture. Adik talaga!
First award:
hehe ang saya ko! Nagkaroon din ako ng award sa wakas. 2nd place sa on-the-spot jackpot este on-the-spot essay writing contest kung saan sa ngayon e hindi ko na matandaan kung ano yung sinulat ko.
At syempre...
Unang Well Accomplished na Blog!!!:
haaay, sa haba-haba ng panahon naayos ko rin yung pagba-blog ko at eto nga po, magwa-one year na tong blog ko *yehey*
So hintayin nyo na lang uli yung mga susunod ko pang post sana kasama ko parin kayong lahat sa pagpasok ko naman sa 4th and final year of college life. Bye muna sa ngayon!!!
Posted by LoRiE at 6:20 AM
colours fill my life with wonders ¢¾