
I really wonder how it would be to have a grand vacation? E pa'no naman kasi nasa kalagitnaan na ng May pero hindi ko pa rin ramdam na bakasyon na, well maliban n lang sa katotohanan na wala akong pasok, tambay lang ako sa bahay at wala na akong ginawa kundi matulog, kumain at manood ng tv.
Kasi naman, nung ini-magine ko yung bakasyon na 'to, merong involved na swimming, pag-upak sa sandamakmak na pagkain at pagkikita na rin ng mga friends and relatives na 'di madalas na nakikita. At isa ang pinaka-key-factor: OUT-OF-TOWN. Ibig sabihin malayo sa bahy, mga bandang Visayas o Mindanao. Pero ang pinaka-malayo na kasing narating ko ngayon e Marikina. Oo! MARIKINA! Nandito nga ko ngayon sa isang internet cafe dito sa Marikina dahil bukod sa pagpapasabog ng tv sa pamamagitan ng pagkakaroon ng movie marathon araw-gabi, e ang pag-iinternet na ang pinaka-past time namin ng pinsan ko.
Tapos ang naging substitute namin sa swimming e ang paliligo sa ulan. Oo!(ulit) Naligo ako sa ulan, nun pa ngang May 8 yun e, Sabi kasi ng matatanda pampaswerte daw yung unang ulan ng May(pa-uso ko).
Siguro ok na rin to, marami pa namang summer vacation. Atsaka kung tutuusin maswerte na nga ako dito sa Marikina dahil hindi ako naguguton dito. Araw-araw, 5 times kumakain, 7 kung siniswerte. Bukas uwi na ko sa'min para makaboto(nyikes, botante na ko!). Ok lang 'to, 10 months na lang uli, BAKASYON NA!!!
Posted by LoRiE at 8:28 AM
colours fill my life with wonders ¢¾