Tama talaga yung narinig ko: "Kapag ang tao nagigipit prang lasing, lumalabas ang tunay na kulay." (linya mula sa Jeepers Creepers *hehe*)
Ayun meron talagang mga bagay na talaga namang nakakapang-init ng ulo pero dapat siguro dapat pinipigilan pa rin natin ang sarili natin. Kasi di natin alam lumalabas na yung masamang amoy natin. Merong tao na kapag nawalan ng control sa feelings e nagiging bastos, nagiging mapag-mata at higit sa lahat nagiging mayabang. Oo mayabang, yung yabang na nakaka- bad trip! Hindi tamang nagwo-walk out ka sa mga bagay na bigla na lang nakakapag-pataas ng presyon mo. Pero kung di mo na talaga kaya at kailangan mo nang mag walk out, siguraduhin mong di ka na babalik dahil siguradong magmumuka ka lang tanga! Kung matapang ka panindigan mo. Hindi rin tama na sa oras ng kagipitan e bigla ka na lang bibitaw. Yung tipong mang-iiwan ka na sa ere. Hindi naman ikaw ang maaapektuhan e, yung mga tao sa paligid mo siguradong mas mahihirapan. Isipin mo na lang, marami pang may mas mabigat na problema kaysa sa'yo!
Posted by LoRiE at 2:11 PM
colours fill my life with wonders ¢¾