This is the moment! Grabe! Natapos na din ang 1st sem. So ano pa ba'ng hinihintay? Panahon na para magsaya!
Eto rin yung panahon para magnilay-nilay ng mga nagdaang pangyayari. Eto yung sa'kin:
~June~
Medyo kakaba-kaba kami nun. Ako, si Chynx, si Yeye at si Vanessa. Sa lobby ng Link2Support. Medyo di pa makapaniwala na sasabak kami sa totoong interview nun ding araw na yun. Habang sina Rachelle at Joevic e kampante nang nasa Yapster dahil sa pagkakatanggap para sa OJT. E di yun, isa-isa kaming kinuha ni Ms. Tin
"no hard feelings", at sinalang sa mainit-init at maka-ubos dugong interview, in English, STRAIGHT English. Halos sumabog yung dibdib ko sa kaba. Tapos ayun dun din pala ko mapupunta. Habang yung tatlo naman e napadpad sa PNB. Ang saya.
~July~
Pinapagawa kami ng system para sa SDD. Ok lang July pa lang naman. Pupunta kami kina Chynx, kunwari gumagawa kami pero ang totoo kakain lang kami o kaya manonood ng DVD. Ok lang marami pang time.
~August~
Birthday ko!!! Nyay. Tapos etong topapips ko may nalalaman pang surprise(?) party. Pero may kasabihan nga na: "Surprises are meant to be spoiled!" hehehe. Ayun nahuli ko. Pero masaya naman. Kaya love na love ko yung tropa ko e.
~September~
Sobrang dami nang pinapagawa ng mga prof. Akala mo wala ng bukas. Lahat na lang ng maisip na project, ipagagawa. Sabay pa ng OJT na sa awa ng Diyos e natapos ko rin ng matiwasay ngayong September. OJT, Seminar, Freshmen Day, ITE Day, ITE Roadshow. Sige lang laban. Kaya pa naman e.
Oo nga pala, wala pa rin kaming system.
~October~
Kung di siguro dahil kay Jason, malamang na uulit kami ng SDD. Dahil sa kanya nagkaroon kami ng system. Eksakto 5 oras bago ang defense namin. Ayun. GISADO. Halatang rush. Pero ano? E meron kaming sytem e!!! E di naisalba namin ang buhay naming lahat...
At syempre SEM Break na. Eto na yung pinakahihintay naming pahinga. Sige babalik pa kasi ako sa pagtulog ko e...
Posted by LoRiE at 3:09 PM
colours fill my life with wonders ¢¾