Medyo Energetically Declined yata ako ngayon (read: tinatamad). Pero sinisipag naman akong mag-blog kaya naman eto ang bago ngayon!!!
Napanood ko na yung December Boys!!! Grabe! Nakaka-asar ka talaga Daniel Radcliffe, Bakit ba ang gwapo gwapo mo?
Nakuha ko na yung grade slip ko last week and great news 1.65 ang average ko. Super saya, akala ko kasi talaga lalagapak ako.
Nakapag enrol na rin ako.
Wala lang kailangan ko lang sabihin yun.
At yun...
at yun din...
Hehe Seryoso na. Dahil maayos nga ang grade ko, may isang bata na natuwa. Kaya naman binigyan nya ko ng CD, ummm, rather binigay nya sakin yung CD nya. Asar, magbibigay na nga lang 2nd hand pa. Pero okay naman. CD yun ng Fall Out Boy! Grabe as in super ganda. Ngayon ko lang narealize ang astig pala ng boses ni Patrick at super hot naman si Pete. Wahaha newest FOB fan on the loose. Woot woot!!!
Five weeks after kong matapos sa OJT, hindi ko pa rin nakukuha yung allowance ko. How sad!
Nauubos ang oras ko ngayon sa Rubix Cube. Medyo baliw na nga ako. Pero isang beses ko pa lang na-solve at aksidente pa, hindi ko alam kung anong ginawa ko kaya di ko na maulit. Pero enjoy. Kung di nga lang ako nagba-blog ngayon malamang yun ang hawak ko! Hehe.
Dahil bakasyon ngayon, kung anu-anong kalokohan ang napapanood ko. Mula sa Pokemon at Digimon Tamers hanggang sa sinaunang Batman nakikita ko. Whooosh. Baaang. Whapaaa! Pikachu modify! Nyehehe.
Sa huling tingin ko, sina
Ate Chynx at
Ate Rachelle ay may mga bagong layout. Level-up. Ako?
Energetically Declined!Kahit hindi ako mahilig sa tocino nalaman ko na ang English pala nito ay caramellized pork.
Adik na rin nga pala ko sa Callalily.
At sa The Fray.
Mahilig pa rin akong matulog. Yung tipong gigising ako ng 11 ng tanghali. Kakain ng brunch. Maliligo. Manonood. Magsi-siesta. Manonood uli hanggang 1 ng madaling-araw. at... Repeat.
Bumabalik SYA. Eto na nga ang kinatatakutan kong pangyayari ever since magkita kaming muli. Kaya naman isang malaking May I Go Out ang in-award ko sa kanya. Bad Lorie!!! BAD!!!
Nakita ko si Crush#1 nung enrollment. (At kailangan talagang magkasunod toh!)
Yun lang. Baka manalo na ko ng longest entry award pag di ko pa tinigil toh eh! Sige Ciao!