Wahaha blog tripping na naman. Medyo wala na kong panahon para magsulat ng maayos na blog entry ngayon! Sa sobrang dami ng ginagawa(?) ni hindi na ko makapag-isip ng diretso, kaya kung medyo blubber ang lahat ng ito, pasensya na.
Napa-isip ako, "So ganito pala ang graduating!". Sa totoo lang parang sabog pa kami ngayon. May thesis subject kami pero hindi pa din kami nagsisimula ng research. Kagagawan ng school. Ang dami pa kasing arte. Meron pang nalalaman na mock application. Tapos higante pa yung makakasalamuha namin sa thesis. Did I say higante? Understatement! Dapat yata Godzilla. Hindi ko nga alam kung aabot ba naman kami sa standard nila. Baka isaksak lang nila sa baga namin yung system na gagawin namin e.
SUPER Pressure!
Christmas season na ngayon pero di ko alam kung dapat pa ba akong maki-saya.
Let's all bow and pray...God please help us.
Medyo eto na muna sa ngayon! Ayusin ko muna buhay ko! hehe.
Posted by LoRiE at 5:38 AM
colours fill my life with wonders ¢¾