2007
Thursday, December 27, 2007

I know I haven't been good this year. Especially with my blogging obligations. *hehe* I've been so bad I haven't even written a Christmas post. I'm really sorry for that, I've been really really busy this days. Even if I wanted to write, I haven't got enough money and time to spend.
But anyway there's still this year called 2008 to make up for all the wasted time.
It's been a good year for me and for the people whom I treasure, and one special wish that I have for next year is that these blessing would go on and on.
Happy New Year to all! Wish you all the greatest!
Posted by LoRiE at 4:19 PM
colours fill my life with wonders ¢¾
December 19, 2007 - ang araw na hinding-hindi ko makakalimutan, well... almost!
Medyo napasubo kasi ako sa isang bagay na sa loob ng mahigit 20 years e hindi ko naisip gawin - ang makipag-inuman!!!
Nagsimula ang lahat sa panghahamon ni Yeye. Totoo talaga na hindi ka makaka-hindi pagdating sa tropa. Kaya ayun napasama ako sa inuman festival na yun. I had to admit, kabado talaga ko. Hinding-hindi pa ko nakakasubok kahit beer buong buhay ko , at dahil sa lahat ba naman ng kwentong naririnig ko tungkol sa mga taong nababangag e talaga namang hindi kaaya-aya. Pero ayun alang-alang sa pakikisama ginawa ko.
So balik sa inuman. Mula ngayon din, hindi ko na makakalimutan sina Granma at si Mr. Generous. Nakakailang shot pa lang ako e hilo na. Lumakas na lang ulit yung loob ko kasi alam ko pa na kapag pinalakad mo ko e diretso pa naman.
Pero dun ako nagkamali...
Eto yung part na di ko na matandaan kung anong nangyari. Basta ang alam ko pumasok ako ng CR kasi magtatawag na ko ng uwak. Tapos paglabas ko, may higaan na kaming lahat. At dun na nga nagsimula yung nakakabaliw na part.
Alam ko madaldal ako dahil natatandaan kong ang dami kong sinabi. Natatandaan ko rin na paulit-ulit kong naririnig ang mga salitang: toothbrush, mahal, ambaho at marami pang iba. Parang ang lakas ng loob kong dumaldal nun kasi tatlo kaming super ingay talaga(partida: kasama pa namin sa bahay yung mga kapatid ni Chynx!).
Tapos ayun nakatulog na rin ako. Perp pagkagising ko, dun pa lang pala magsisimula ang kalbaryo! Sobrang sakit na ng ulo ko, ang dami ko pang pantal sa katawan. Masaya nga lang kasi hindi ako napahiya(masyado), kasi nakikitawa din ako sa kalokohan ko.
Hindi ako proud sa nangyari, pero cool pa rin. Masaya kasi nakasama ko na naman yung mga girlfriends ko *di ako tibo ah?* Totoo talagang pag may tama na ang isang tao, lumalabas na yung totoo nyang kulay. Masaya ko kasi nakita ko kung gaano kasaya yung mga tunay na kaibigan kapag nailalabas na nila kung sino yung totoong sila.
Sige na, sakit pa rin ng ulo ko!!! Tulog ko muna to!
Posted by LoRiE at 4:46 PM
colours fill my life with wonders ¢¾
Kahapon e nagcelebrate ang barkada namin ng aming Christmas party. It was really fun but unlike before, it was very different this year.
Yesterday, there were only eight of us. Sabi nga sa 1 vs. 100, mga "unbeatables". Oo medyo bizarre na kulang yung nagsasalita, yung nag-iingay at yung tumatawa. Hanggang ngayon di parin naman kasi namin alam kung kailan pa 'to maaayos. Pero I don't want to dwell on it right now. Medyo kasi busy na ulit.
Yesterday din, we were given the news that we would finally be starting on our thesis study. Finally, a new thing to concentrate on. Sa tono ng pananalita ng mga prof na nakausap namin kagabi, parang ang dali lang nung pinapagawa nila sa'min, pero nung iniisip ko kagabi yung design, dinudugo na agad yungutak ko. But still alam ko naman na kaya din namin 'to.
Well, back to the party. Dahil gabi na kami nakaalis ng school, late na rin kami nakapag start. Pumunta pa muna kasi kami ng mall where we bought food. We had pizza, chicken and ice cream. Ewan ko kung ano na namang topak meron kami kahapon pero kung anu-ano nang ginawa namin sa food. Basta bigla na lang naisipang gumawa ng ice cream float. Hehe nakakatawa talaga para kaming timang. Then we also had red wine, opo nag red wine na naman ako.
Tapos syempre exchange gift. At si Ate Chynx na naman pala ang nakabunot sa'kin. Ayus ka talaga 'tol! Wala man lang akong idea dun a? And fortunately nagustuhan naman pala ni Vane yung gift(s) ko!
Yun nga lang kulang pa rin talaga. Sana lang maayos na 'to, malay natin, ang susunod ko nang post dito ay tungkol sa 2nd Christmas party kung san kumpleto na tayong lahat.
Labels: christmas, friends
Posted by LoRiE at 7:12 AM
colours fill my life with wonders ¢¾
13 days to go before Christmas!
Pero, ang gulo pa rin ng mundo! Hindi naman sa nagwi-wish ako ng world peace pero parang ganun na din.
Wednesday na kasi ngayon at meron na lang kaming 2 exam na din natatapos. Ibig sabihin lang nyan, it's time again for our group's yearly Christmas party. But this year would be different. Oo meron nga kaming exchange gift, pero mukhang malabong magkaroon ng party. Actually from 300 we decided to lower down the gift to P100 na lang. Di naman ako nag-rereklamo pero sa totoo lang nahihirapan akong bumili ng gift sa ganung price. Di ko pa nga alam kung anong ibibigay ko.
Pero kung pinoproblema ko ang gift giving e wala naman yan sa bigger problem(?) ng grupo. Undeniably, may problema. At ang malala walang gustong kumilos. Di ako pwedeng mag-sermon dito dahil maski ako walang magawa. Mas pinipili ko na lang na manahimik kaysa sumabak pa sa aksyon. Pero alam ko naman na bawat isa sa'min e nag-iisip na maayos na sana'ng lahat ng 'to. Di man ngayon pero sana sa madaling panahon (baka bukas). Mahirap kasi'ng ganito. Tropa nga kayo pero anlabo naman ng buhay nyo. *ano?* Andami pang nagtatanong, yung tipong pag sinagot mo, lalo lang magpapagulo pa sa sitwasyon. Tapos kahit tingin lang parang ang hirap nang ibigay. Simpleng hello di masambit. And worst yung dating tawanan hindi na marinig. Kapag di pa 'to naayos, mukhang ito na talaga ang pinaka-masamang Pasko ng buhay naming lahat.
Labels: friends
Posted by LoRiE at 6:12 AM
colours fill my life with wonders ¢¾
Wala akong maisip na maayos na title para sa post na ito. Pero come to think of it, wala din naman akong maisip na post. Gusto ko lang namang ilagay 'tong picture na to.
Nakita ko kasi to sa Email ng Multiply group ng SC. Wala naman, natuwa lang ako. Para kasing shooting ng Kamandag. Hehe. Peace. Yael forever!
posting again soon!!!
Posted by LoRiE at 2:37 PM
colours fill my life with wonders ¢¾