December 19, 2007 - ang araw na hinding-hindi ko makakalimutan, well... almost!
Medyo napasubo kasi ako sa isang bagay na sa loob ng mahigit 20 years e hindi ko naisip gawin - ang makipag-inuman!!!
Nagsimula ang lahat sa panghahamon ni Yeye. Totoo talaga na hindi ka makaka-hindi pagdating sa tropa. Kaya ayun napasama ako sa inuman festival na yun. I had to admit, kabado talaga ko. Hinding-hindi pa ko nakakasubok kahit beer buong buhay ko , at dahil sa lahat ba naman ng kwentong naririnig ko tungkol sa mga taong nababangag e talaga namang hindi kaaya-aya. Pero ayun alang-alang sa pakikisama ginawa ko.
So balik sa inuman. Mula ngayon din, hindi ko na makakalimutan sina Granma at si Mr. Generous. Nakakailang shot pa lang ako e hilo na. Lumakas na lang ulit yung loob ko kasi alam ko pa na kapag pinalakad mo ko e diretso pa naman.
Pero dun ako nagkamali...
Eto yung part na di ko na matandaan kung anong nangyari. Basta ang alam ko pumasok ako ng CR kasi magtatawag na ko ng uwak. Tapos paglabas ko, may higaan na kaming lahat. At dun na nga nagsimula yung nakakabaliw na part.
Alam ko madaldal ako dahil natatandaan kong ang dami kong sinabi. Natatandaan ko rin na paulit-ulit kong naririnig ang mga salitang: toothbrush, mahal, ambaho at marami pang iba. Parang ang lakas ng loob kong dumaldal nun kasi tatlo kaming super ingay talaga(partida: kasama pa namin sa bahay yung mga kapatid ni Chynx!).
Tapos ayun nakatulog na rin ako. Perp pagkagising ko, dun pa lang pala magsisimula ang kalbaryo! Sobrang sakit na ng ulo ko, ang dami ko pang pantal sa katawan. Masaya nga lang kasi hindi ako napahiya(masyado), kasi nakikitawa din ako sa kalokohan ko.
Hindi ako proud sa nangyari, pero cool pa rin. Masaya kasi nakasama ko na naman yung mga girlfriends ko *di ako tibo ah?* Totoo talagang pag may tama na ang isang tao, lumalabas na yung totoo nyang kulay. Masaya ko kasi nakita ko kung gaano kasaya yung mga tunay na kaibigan kapag nailalabas na nila kung sino yung totoong sila.
Sige na, sakit pa rin ng ulo ko!!! Tulog ko muna to!
Posted by LoRiE at 4:46 PM
colours fill my life with wonders ¢¾