13 days to go before Christmas!
Pero, ang gulo pa rin ng mundo! Hindi naman sa nagwi-wish ako ng world peace pero parang ganun na din.
Wednesday na kasi ngayon at meron na lang kaming 2 exam na din natatapos. Ibig sabihin lang nyan, it's time again for our group's yearly Christmas party. But this year would be different. Oo meron nga kaming exchange gift, pero mukhang malabong magkaroon ng party. Actually from 300 we decided to lower down the gift to P100 na lang. Di naman ako nag-rereklamo pero sa totoo lang nahihirapan akong bumili ng gift sa ganung price. Di ko pa nga alam kung anong ibibigay ko.
Pero kung pinoproblema ko ang gift giving e wala naman yan sa bigger problem(?) ng grupo. Undeniably, may problema. At ang malala walang gustong kumilos. Di ako pwedeng mag-sermon dito dahil maski ako walang magawa. Mas pinipili ko na lang na manahimik kaysa sumabak pa sa aksyon. Pero alam ko naman na bawat isa sa'min e nag-iisip na maayos na sana'ng lahat ng 'to. Di man ngayon pero sana sa madaling panahon (baka bukas). Mahirap kasi'ng ganito. Tropa nga kayo pero anlabo naman ng buhay nyo. *ano?* Andami pang nagtatanong, yung tipong pag sinagot mo, lalo lang magpapagulo pa sa sitwasyon. Tapos kahit tingin lang parang ang hirap nang ibigay. Simpleng hello di masambit. And worst yung dating tawanan hindi na marinig. Kapag di pa 'to naayos, mukhang ito na talaga ang pinaka-masamang Pasko ng buhay naming lahat.
Labels: friends
Posted by LoRiE at 6:12 AM
colours fill my life with wonders ¢¾