Naging napakasaya talaga ng 2007. Madaming nangyari, madami ding naging problema. Pero, What the heck? Kaya nga merong 2008 eh.
Dahil masyado nang late para mag-post ng Year Ender, gagawa na lang ako ng Year Starter, maiba lang. So pa'no po? Eto na ang aking unang post para sa taong 2008! Nyayks...
---January---
Ang daming magandang panoorin ngayon. Malapit na ang showing ng National Treasure 2. Meron ding I Am Legend. Tapos meron pang concert nag My Chemical Romance. San kaya ako pupunta???
---February---
Eto yung buwan ng mga buwang -este- buwan pala ng mga puso, pero, Wala kaming pakialam. Medyo praning mode na kasi to para sa mga thesis student na gaya ko. Para sa'min eto na nga yung moment of truth. evaluation na agad. Hay sana mapasa namin to ng matiwasay!
---March---
Nyay, last month ng school year. Sa wakas tapos na rin. well, sort of! Habulan moment naman to ng mga requirements. Hehe this is really is it!
---April---
Graduation na!!! Pero sa ngayon meron pa ring iba dyan na pag tinatanong kung ga-graduate na e sumasagot pa rin ng "hopefully", isipin nyo, duba mas ASTIG kung sasagot tayo ng For Sure! Be positive guys, Kaya natin toh!
---May---
Unang birthday ni Chynx na may malaking sweldong handang gastusin. Nyahaha, lagot ako kay ate Chynx, nadamay pa sya sa post na ito. Peace!
---June---
Unang enrollment na ako naman ang magbabayad para sa mga kapatid ko. Huwhaaat? Di ba parang masyadong assuming? Walang pakialaman post ko to!
---July---
Wala talaga kong maisip g moment sa buwan na 'to, pero dahil birthday ni Daniel Radcliffe, siguro pupunta na lang ako sa London tapos magpa-party kami!
---August---
08-08-08 This is it! Eto na siguro ang pinaka-masayang araw ng buong lifetime ko! Bakit? E sino ba, sino ang may birthday? Di ba ako?! Kita mo na? Wakamagulo!!!
---September---
Wala ulit. hehe basta come what may.
---October---
Wala pa rin. halata na ba na tinatamad na kong mag-type? *copy-paste* come what may.
---November---
Woot-woot! buhay na naman ang mga Harry Potter fans. Eto na naman. 2nd to the last movie. Wah malapit na talaga matapos!!! Waaaaah!
---December---
Merry Christmas!!! Nyahaha, Christmas bonus... hehehe. yun lang... wahahahaha!
Ang saya talaga!!! 2008 naaaaaaa!!!
Labels: new
Posted by LoRiE at 2:48 AM
colours fill my life with wonders ¢¾