Naku naman talaga, ang dami ko nang utang sa aking avid readers. Kaya naman babawi ako ngayon. Nyahaha sana nga lang makabawi ako at bumalik na kayong ulit dito sa blog ko. *Sige na Please?*
Unang-una eh gusto kong magsorry dahil ginawa ko ang pinaka-malaking kasalanan na pwedeng gawin ng isang blogger; and pag-hiatus ng halos isang buwan... Mantakin mo yun? Dapat yata sa kin pinaparusahan ng matindi! Sorry talaga.
Okay moving on...
Ang mga susunod e updates sa buhay ko, dahil nga di ako nagpopost lagi.
March 1 nang pumasa ang grupo namin sa thesis. Yahoo!!! Sa loob ng halos 4 na buwan e nagkaron na rin ng reward ang paghihirap nila, este namin pala. Di ko na balak na i-detalye pa dahil nga sobrang late na talaga ng post na to. Kaya sasabihin ko na lang na ang rating namin e -ahem- Passed with minor revision. MINOR. REVISION isa pa, MINOR REVISION hehe, wala naman sobrang saya ko lang.
March 3 nakuha ko ang talagang unang reward matapos kaming makapasa ng thesis. Meron kasing student festival sa school at hulaan nyo kung sinong guest, E walang iba kundi ang Manibela lang naman. Grabe sobrang saya, pa'no ba naman, talagang close encounter, meron ng authograph, meron pang picture... enjoyin mo toh!

me and John Ross(lead guitarist)

me and Mix(vocalist)

me and Gherald(bass guitarist)

me and Raffy(drummer)
O diba ang saya talaga nun!
March 10 naman ng sumali ako sa dalawang text clan, isang Sponge Cola at isang Callalily, Kulet noh? Wag ka lang maingay kasi baka masaktan ako. hehehe
at finally, March 14 ng officially e natapos lahat ng paghihirap sa school *well almost* Natapos na rin kasi ang final exams kaya medyo nakatulog na.
So pa'no ba yan, wala na kong utang. Na-update na kita. Kita-kits uli sa mga susunod pang adventures in life ko no? Sige...
Labels: callalily, life, manibela, spongecola
Posted by LoRiE at 4:00 PM
colours fill my life with wonders ¢¾