Sige, isang balde na nga...
Hehe, oo umiyak nga ako. Di ko na matandaan kung kelan ako huling umiyak ng ganun. Ngayon na nga lang talaga ako umiyak dahil ngayon lang ulit ako nasaktan ng ganun.
Isipin mo na lang nadapa ako, wala akong ibang magawa kundi iiyak lahat ng nararamdaman ko.
...Pero iki-kwento ko rin naman pala. Nyehehe.
Minsan talaga, darating sa'yo ang isang bagay na kung saan buong puso't isip mo eh ibibigay mo na. Wala kang iisipin kundi yun lang, wala na talagang iba. Kaya naman iba't ibang bagay na ang gagawin mo para lang maabot yun. Ganun yung ginawa ko. Masyado 'kong nadala. Kaya naman nung nadapa ako, masyado ko ring dinamdam.
Katulad rin pala yun ng
love, dapat mag-iiwan ka pa rin ng konti para sa sarili mo, para kung mawala man hindi ka masyadong manghihinayang. Oo maraming matutuwa kapag nakuha mo yun, lalo na yung mga mahal mo sa buhay(na puno't dulo ng lahat ng paghihirap mo'ng maabot yun). Pero kung hindi naman, mag-isa ka lang namang magmumukmok sa tabi.
Pero hindi na mababalik kahit ano pa man, natapos na. Nasaktan na nga, dapat at least natuto na.
Nagdadrama na naman ako, hindi na naman bagay sa blog layout kong parang room ng pre-school.
Pero anong magagawa ko. Wala akong ibang gustong gawin ngayon kundi magbalibag ng kahit anong nakikita ko.
(violent?) Naalala ko nung bata pa ko, ganun ako mag-cope up sa sama ng loob. Pupunit ako ng isang page ng bagong-bagong pad paper(amoy pabrika pa) tapos pagpipiraso-pirasuhin ko, hanggang magalit yung mama ko sa kalat ko. Well at least nalabas ko yung galit ko.
Alam ko naguguluhan ka na sa pinag-sasasabi ko.
Total nonesense na. Pagpasensyahan mo sana ko. Ang sakit kasi talaga dito

oh.
Sayang lang talaga kasi kanina. Mas masaya pa sana ko kung harap-harapan akong riniject. Kesa naman ganitong wala man lang akong nagawa(at mukhang wala na kong magagawa). Nasayang lang lahat ng pinaghandaan ko. Andaming talagang nakakapang hinayang dun. Lalo na yung expectation ng mahal mo sa'yo. Asar.
Ano bang kasalanan ko sa earth?!