Pasensya na sa lahat ng pumupunta dito na patuloy lang na nadidismaya dahil sa walang pagbabagong nakikita. Sorry talaga. Kakatakas ko lang kasi ng hiatus mode pero mukhang di naman ako makakaligtas sa SUPER Hiatus Mode na malapit nang dumating. Thesis defense na kasi next week. Kaya itotodo ko muna 'tong post na toh!
Unang topic: Bakit ako nagbago ng layout?
Sagot: Waaaaah.... *hysterical* Ang balak ko lang naman kasi talaga e magdagdag ng bagong mga chuvanes(read: kaartehan) sa blog ko. Tapos etong si -Master- ko nagcomment, kesyo daw sa ibang blog e may nakikita syang signature ng mga author. E di hanap naman si ako. Ayun at may nakita akong site na itatago na lang natin sa url na
ito. Ayos naman sya. Maganda. Mahusay. Magaling. So gawa naman ako ng account at syempre gumawa na nga rin ako ng signature. Success naman kaya nung ilalagay ko na sa blog ko e super save ako. Tapos waaaaah... ayun
medyo nasira sya sa di malamang dahilan.
Medyo na-jumble lahat sa blog na yun. Sinubukan kong hanapin yung problema pero
mukhang lalo ko lang nasira. Grabe, yun na yata ang pinaka-nakakalungkot na pangyayari sa blogging life ko. Napamahal na talaga sa kin yung layout na yun. Ako pa mismo nag-color nun sa paint ^_^ . . . Kaya nakakalungkot talaga. Kahapon ko lang din naayos ng tuluyan ang problemang to. Salamat sa layout na to galing sa
Blogskins. Pero hindi rin naging madali ang pagtatagpo namin ng layout na to. Maarte pa naman ako pagdating sa pagpili ng layout. Alam ko kasing nakita ko na ang tamang blog layout para sa kin kapag sa oras ng aming paghaharap eh makakaramdam ako ng magic. *asus* So ayun, naka-abot muna siguro ko sa 1987 archive ng blogskins.com bago ko napagtantong -ayoko nang mag blog-. hehe joke lang. Nakita ko to tapos edit kaagad para naman magmukhang disente na ulit yung blog ko. So sa ngayon ito na ang magiging 2nd version ng
Insert Title Here.
Ikalawang Topic: Bakit ngayon lang ako nag-update?
Sagot: Gaya nga ng sabi ko,
medyo hiatus muna. Eto kasi yun. Dahil nga last sem na naming mga geniuses -a ok- mga cute na lang, eh kailangan naming gumawa ng isang computer system na magiging sukatan sa kung anuman ang mga natutunan namin sa loob ng 4 na taon(kung meron man). Dahil next week na ang defense, sobrang kabado na ko. Ayokong isipin paano kung di ako pumasa. Saan ako pupulutin, anong gagawin sa 'kin ng mga magulang ko, paano ko maipag-papatuloy ang pakikipagsapalaran sa mundong ito? (ayaw ngang isipin!) Kaya seryoso muna ko, kahit na mukhang magkakasakit ako pag nagseryoso gagawin ko muna para sa ikabubuti ng ating bayan.
Ikatlong Topic: Meron pa ba?
Sagot: Wala na.
Sobrang antok na antok na ko. Kaya mas maganda kung... Zzzz...